Sunday, August 11, 2013



Diary ng isang Panget . The first time I saw this book , syempre napatawa ako …. May naalala kasi ako. Yung kaibigan ko kasi ang sabi nya sa akin sa lahat ng naging boyfriend  ko , may isa daw na naiiba  sa taste ko. Sabi ko bakit naman ??? tahasan nyang sasabihin na panget kasi hahaha. Hindi ako maganda … pero pag sinabi kasing panget parang… kawawa talaga ang hitsura. Di kaagad ako nadala sa title . It took me two weeks bago tuluyang bilhin itong  diary ng isang panget 1 … aba meron din pala itong … part 2 . Ibig sabihin  pag binili ko yung isa kailangang bilhin ko rin yung susunod.  Nag decide muna ako na isa lang kasi  mahal na rin P 150.00 . Kasi sa mga pangkaraniwang pocketbook pag ibinibili ko ang kasambahay ko 120 na yung 6  pag sale pero pag isa isa P 37.00 lang. Saka baka corny kaya isa na nga lang muna.
Nang minsang magkaroon ako libreng oras sinimulan ko na syang basahin… doon ko na nakilala si Eya , Si Chad at Si Cross. Nakakatuwa pero para sabihin ko inyo nakakabitin …. Kasi yung palang book 2 kaduksong nya talaga ko. Akala ko iba ibang kwento tungkol sa mga taong di gaanong maganda… hahaha. Kaya kinabukasan binili ko yung pangalawa.
Yung setting pangkaraniwan. Naalala ko si Jun Pyo at Jandi … pati na rin si Jiho . Dangan nga lang at si Jico mahiyain…. Si Chad sobrang palabiro  pero naadik ako sa tagpo pag sina cross at eya … hehehe di ko mapigilang may maalalang tao.  Goodlooking na mayabang ang dating tapos lapitin ng babae , pero meron din syang matinding itinatagong kahinaan. Gaya ni cross sa multo sya natatakot .
Si cross kasi , ganyang ang tipo kong lalaki. Suplado , medyo masungit pero front nya lang yon. Pag kayo na lang sweet …sweet kaya. Dahil sa book na ito nakakalimutan kong mommy na ako . dinadala nya ako sa panahon na medyo mahigit isang decada na ang nakalipas. Teka oo nga pala kahit natapos ko na ang pangalawang aklat…. Hehehe hindi pa rin pala ito tapos. Natatakot nga ako na baka ma addict ako gaya ng mga anak ko sa book nilang doraemon na umabot hanggang … book 28 … bahala na ! 150 x 28 = P 4,200.00 … humanda ka !!!!







No comments: