Tuesday, July 8, 2008

May nabili akong book sa National Bookstore ang titulo nya ay : SOPAS MUNA.
Sa unang tinggin ko pa lang naisip ko na ito ang local version ng Chicken Soup of the Soul.
KAgyat kong naisip na "Siguro mas mura ito sa kaysa CSS".. At tumama nga ako . P85.00 pesos lang halaga kumpara sa CSS na alam naman ng karamihan na may kamahalan din talaga.
Inisa isakong basahin ang bawat pahina . May mga nakasulat dito na mababaw , malalim, prangka at minsan alam mong may halong regret baga?
Aamin ko ganitong klase ng babasahin ang gusto ko, maypagka pangkalye ang dating, hindi nagpapakasosyal at di rin naman masyadong nag iinarte. Sa ginagawa kong ito, di ko alam kung na i popromote ko ba ang aklat na ito o nakakabawas pa ako sa nag nanais na masulyapan ito.
Habang iniisa isa ko ang bawat maiiksing kwento, di ako mapakali at gustong gusto ko na ng tawagan ang mga manunulat para sabihin ang opinyon ko, ang tanong Pansinin kaya nila ang isang katulad ko.
Sa bawat kwento maytatama sa yo, may kwentong deny to death , eh obvious naman na di na sya masaya, nagsasaya sayahan lang pala.. hehehe
ang Favorite ko rito ay ang pinakahuli yong VALentIne'S dAY. Di ko alam kung yung writer na si Marco B. Jacinto nga ba ang nakaranas ng ganitong kasaklap na pangyayari o ikinuwento lang ito sa kanya. Pero kung ako lang , pipiliin ko ng bumalik sa kabihasnan .. kaysa mamundok.
May ipinaglalaban ka , pero nagtatago naman kayo. sayang ang panahon , ang buhay at lakas , ang talino at higit sa lahat ang iyong gandang lalaki na ipipilit mong itago sa mga liblib na lugar. Kinakagat lang lagi ng mga ga higanteng lamok ang dati mo mala porselanang kutis.
Pero kung ayaw mong makinig sa akin ... okey lang... Buhay mo yan at alam kong ang sarili kong buhay ang dapat pakialaman ko. Pero KAKA masarap ang mabuhay ng malaya , yung tipong di mo kailangang dala mo lagi ang M16 habang nag mamall o namamasyal ka sa BAYWALK at LUNETA kasama mo ang bago mong sinisinta ( yon eh kung naka recover ka na ! )
Kailan kaya ako makakasulat ng tulad nyo . Dahil sa "book" na ito , di ko na napansin ang haba ng byahe ko . Tama ang Title " Sopas Muna " ako naman ang Blog ko Appetizer ... sa tagalog PAMPAGANA...sana nga ganahan kayo mga isinusulat ko.
pero kung di nyo type ang titulo ng pag sulat ko... mag comment kayo at wag tumahimik lang .. dahil TYPE ko ang kahit na anong isusulat nyo.

3 comments:

Alvin J. Buenaventura said...

helo isa ako sa mga manunulat ng sopas muna. si marco b jacinto ay pen name ni mar anthony simon dela cruz. maraming salamat sa pagcomment mo sa aklat namin. nakakatuwa. mabuhay ka

Alvin J. Buenaventura said...

by the way, sa opis itong gamit kong account. ako si bebang siy. at eto ang blog ko babe-ang.blogspot.com

MONSTER MoM said...

sir mar , matagal kong di nabuksan ang blog ko . salamat po sa pag pansin nyo ng aking blog . mabuhay po kayo !!!!